sunrise

sunrise

Sunday, March 3, 2013

Mula sa isang mabuting kaibigan.


Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang ibigay sa akin ito ng isang kaibigan nagmamalasakit. Ngayong binabalikan ko ito sa gitna ng mga nangyayari sa buhay ko, napatunayan kong walang hanggan ang bisa ng mga salitang tapat at mapagmalasakit lalo na kung galing ito sa tapat na tao.


Dear Gelly,


Hindi mo ba ako naririnig? Hindi mo ba ako nararamdaman? unti-unti akong nadudurog ng di mo nalalaman. kung kaya ko lang na hindi rumamdam, gagawin ko para lang hindi ka na mahirapan. kumikirot ako.. kulang na lang ay madurog. naiipit na ugat at malapit ka ng mahimatay. kung meron lang akong magagawa, hindi ko ipaparamdam sayo ang sakit na nararamdaman mo ngayon. kung hindi ako nakakabit sayo, mabuti pa na ako ay umalpas at sumabog upang ang kung anong dinaramdam mo ay makalimutan mo. kung pakikinggan mo din ako, gustong gusto ko ng hindi tumibok. alalahanin mo din ako, para sayo rin naman ito.


Nagmamahal,

--puso--

Hindi lahat ng bagay nadadaan sa determinasyon. Makailang ulit ko ng binabato ang linyang ito sa mga kaibigan kong sa bawat minuto na sila ay nagmamahal at biglang masasaktan. Alam kong hindi madali, dahil kung ito ay binigay sayo ng madali, paano mo malalaman ang kapasidad at hanggang kung saan ang kaya mong ilaan para sa mundong ito. Kung minsan, hindi man natin gusto, kinakailangan natin ibigay at magpaubaya para lang sa ikapapanatag ng loob niya at kahit na ito ay labag sa ating kalooban. Ang masaktan ay hindi dapat kinatatakutan. Dapat mo itong tanggapin at matutuhang kalimutan. Ang ispin mo na lang, ang malas lang natin dahil ang taong nanakit satin ay ang taong pinagalayan mo ng buong puso mo at pagkatao... na itinuring kang parang isang babasaginm bagay na kaya niyang unti unting durugin.


Hindi natin maibabalik ang panahon na naging masaya tayo sa taong minsan nating minahal at ngayon ay unti unti kang sinasaktan. hindi rin natin mapipilit ang hindi maramadman ang sakit na dulot ng isang malagim na pangyayari na hindi natin inasahan. kung kaya lang nating i-rewind at i-erase at i-fast forward ang mga pangyayari matagal na nating ginawa. 


Hindi natin natuturuan ang puso kung sino at paano natin dapat mahalin ang isang tao. hindi rin natin matuturuan na ibalik ang pagmamahal na kaya nating ibigay sa kanila. pero kaya nating maging masaya ng wala sila. kung sa pag gising mo mamyang umaga na hindi mo na makita ang kanyang mukha, hindi ibig sabihin nun ay hindi mo na siya makikita sa iyong pagtulog. sa panginip ay maari mo parin siyang hagkan at yakapin at sabihin na mahal mo siya. pero tayo pa rin ay magigising sa katotohanang hindi natin sila kasama. Hindi masama ang umiyak at magmukmok. Karapatan mo yan bilang tao. Isipin mo na lang na kung hindi naman natin ito pagdadaanan ay hindi tayo matutong maging matatag. kaya ikaw ay muling bumangon sa bangungot ng kahapon. hindi masama ang pabagalin ang iyong pagtakbo para sa kanyang pagtakpik ay muli kang lilingon. sana hindi pa mahuli ang lahat. pero inaasahan ko na sa bawat hakbang mo, ikaw ay bibilis at hindi na muling lilingon.


Dapat mo ding matutunan ang pagtuunan ng pansin ang iyong sarili. mahirap pero alam kong kaya natin. minsan ka ng naging matatag. alam kong kaya mo itong lagpasan. darating ang araw na makikita mong muli unti unti ng nabubuo ang nawasak mong sarili dahil sa pagmamahal. ang mga lamlam ng iyong mga mata ay muling ngingiti at ang iyong sigla ay muling babalik. sa bawat pagusad ng araw, mararamdaman mo ang pagbabago at maibabalik mo ang dating ikaw. magmamahal kang muli at itaga mo sa bato, wala ng makakasakit pa sayo. :)


Love,


DHANG

No comments:

Post a Comment